Friday, July 26, 2013

“ pag nagmahal ka , magtira ka para sa sarili mo”


Sabi sa kanta “too much love will kill you”, pero nakapagtataka na hanggang ngayon buhay pa ako . bakit? Siguro kasi yung buong buhay ko wala na kong ginawa kung ang magmahal ng lubos , mula sa Diyos,pamilya , hanggang sa huling balat ng kendi na kinain ko mahal ko , mahal ko lahat !kaya immune na immune na ako . madali akong ma-attach sa isang bagay , siguro ganun talaga pag ka sentimental kang tao, ikaw lagi yung nagmamahal  ng lubos kesa dun sa counterpart mo ,ako yun ! akong ako , kaya minsan sa sobrang taas ng pagmamahal ko sa isang tao , ganun din kataas yung huhulugan ko kapag ako nasaktan , SOBRANG SAKIT, yun ang bagay na alam kong kadikit na /kasunod na, parang matik na ba .. pero ako kahit ilang beses na kong Umakyat  ng napakataas , Nahulog ng napakataas at nasaktan ng napakasakit , hindi parin ako tumitigil , sabi nga ,”commiting mistake once is ok , but twice youre an ass” wala akong pakialam kahit magmuka pa kong Ass, kasi para sakin hindi mistake ang pag ibig ,kahit kelan hindi isang pagkakamali ang pagmamahal ,siguro sa ibang bagay pwede pa, pero pagdating kasi sa Feelings iba na e,when I said feelings I mean feeling of being inlove . ibang iba , kahit alam mong mali , kahit alam mong isusugal mo lahat ng emotion mo , parte ng katawan , pera , oras isusugal mo bawat Segundo ng buhay mo , goh ka pa din , bakit? Kasi nagmamahal ka . sa lahat ng feeling na mararamdaman mo sa buong buhay mo , yung pag ibig ang hindi mo macocontrol, kasi pag yan dumating at dumapo sayo, parang kanser hindi mo mapipigilan lala-la , unti unting kakainin yung laman loob mo , utak puso isama mo na yug ATAY,

Ang pagmamahal ng sobra ay parang pag kain ng chocolate , sobrang sarap pero pag sumobra hindi lang diabetes, pagtaba, pagkasira ng ngipin at marami pang ibang sakit ang makukuha mo pag nasobrahan ka, very mainstream at gas gas na pero totoo siguro yung laging payo ng mama ,papa , tiyahin , kapatid,bespren,kaopismate,pari,boss,at yung mga taong pinagkwentuhan mo na ng lablife mo na palaging pumapalpak: “ pag nagmahal ka , magtira ka para sa sarili mo” .



Stages of being  Inlab (in the wrong way)


1) stage 1- mahal mo sya,gusto mo sya lagging katext ,kausap at pagnikikita mo sya walang paglagyan ang kasayahan mo, sa kanya umiikot ang mundo mo .alam mo na mahal ka din nya ,magpapaksal kayo at habang buhay magsasama,.

2)Stage 2 –Mahal na mahal mo sya , dito na dumarating yung pagseselos ng pakonti konti ,hindi mo lang sya gustong laging makausap , gusto mo din syang laging kayakap , kahit hindi pa kayo kasal ibibigay mo na ang sarili mo !oo ganun katindi kahit stage 2 palang.

3) Stage 3 – o mini paranoia, hindi lang selos kundi poot yung nararamdaman mo pag nakita mong may kausap syang iba – TAKE NOTE : Kausap lang ha , pero sa paningin mo nagsesex na sila.dito din pumapasok yung linyang,”lahat hahamakin para lang sa iyo mahal ko” totoo yan . hindi na kailangang ielaborate pa.

4)Stage 4 – sa sobrang pagmamahal mo sa kanya , kahit anong pagkakamali ang gawin nya sayo , kahit na ilang beses ka pang masaktan anjan lka parin handa syang patawarin , pwede din tawaging “NUMBNESS stage “ o martir ka na .pwede ka ng sabitan ng sampaguita at tayuan ng rebulto,sa sobrang kadakilaan mo.PWEDE ka ng SAMBAHIN !

5)Stage 5- mini Malignant- konting konti nalang  BALIW ka na .Obsess kung baga ! yung kulang nalang igapos mo sya , ikulong  at lagyan ng super glue yung mga kamay nyong dalawa para sayong sayo na sya.yung tipong kahit alam mong isa ka nalang na nagmamahal go parin ,kahit ano gagawin mo para mapunan yung gusto at pangangailangan nya ,kahit na magpakababa ,at lokohin mo na pati sarili mo mahal mo parin, in short Diyos mo na sya.

LAST STAGE –Stage 6 : idadaan ko nalang sa example
(girl baliw version)
Tonyo : hon may inuman kami .
Bebang:san ? bakit?
Tonyo: jan lang sa may malapit na bar,birthday ng office mate ko
Bebang: may babae ?
Tonyo: meron tatlo pero office mate ko lang
Bebang: (in renz verano voice) SASAMA AKO.]
Tonyo: pero hon kasi office mate lang
Bebang : SASAMA AKO !
Tonyo: heto nanaman tayo.matagal na kong nasasakal sayo, ayoko na ng ganito,gusto ko ng makipaghiwalay.
Bebang: Hindi !(in renz verano birit voice)
Tonyo:pe….r
BEBANg : MAGPAPAKAMATAY AKO (in renz verano highest note voice)

Ganyan ang pag ibig , masarap , nakakainspire, nakakaganda ng araw ,nakakapagtama ng mga mali,pero pag sumobra, lintik mababaliw ka ,sisirain yung buhay mo hanggang sa wala ng matira .hanggang sa pati utak mo nakain na ,masarap mag mahal,masarap mahalin. Pero mas masarap kung ang pagmamahal sa isang tao , ay sasamahan muna ng pagmamahal sa sarili.

Yun lang♥♥♥




3 comments:

  1. ang pagibig, oo nakakabaliw, pero kahit paulit ulit pa kong mabaliw, paulit ulit pa din akong iibig :)))

    ReplyDelete
  2. haup ka karen. akong ako ung stage 1.. tara madaliin na sa last stage. BIGTI NA!!!!!

    ReplyDelete
  3. Hindi ko alam bat napunta ako dito pero i just wanna share . Sobrang mahal ko ang jowa ko sa totoo lang pero napapagod na ako sa mga pinapakita niya saakin even small efforts wala na syang ginagawa sakin unlikr before , nasasaktan lang ako kasi I thought magmamahalan kami till the end pero ngayon di ko na alam kung hangang kailan ako magtitiis

    ReplyDelete