Mahal kita , at gusto kong ipag sigawan sa Mundo na mahal na mahal kita
NGUNIT …
Ngunit, subalit, datapwat bagkus..
At ang sigaw ng mga taong litong lito , gulong gulo , at
nangangailangan ng malinaw pa sa Wilkins distilled drinking water na sagot ;
BAKEETTTTTTTTTTTT !
Masyado akong inspirado , Sa dami ng kaibigan kong
naghinge na ng payo, nag kwento at nag labas ng sama ng loob , tungkol sa pagkalito
, pag ka gulo at pagkabaliw nila sa mga taong nagbigay ng kalituhan sa buhay
nila kung bakit hanggang ngayon hindi sila mapangatawanan ng mga taong ; una ng
nagsabing “Mahal Sana kita Ngunit…”
Karamihan sa mga taong nalagay na nga sa alanganin ay
iisa lang ang tanong ..
“PERO BAKETT ?”
Isa isahin natin ang dahilan :
Mahal Kita Ngunit :
1) Masyado pa kong
Bata para pumasok sa relasyon -> e hanggang kelan ka ba nya aantayin pag
lumabas na yung card mo ng senior citizen ?
-Masyado akong
matanda para sayo, you deserve someone your age –>marunong ka pa sa
kanya , e ikaw nga mahal nya eh !
- Hindi pa ko ready pumasok sa relationship , Baka masaktan ka lang -> Shabu pa !, hindi mo pala kaya , pero mahal mo sya , SHABU PA !
2) Hindi kasi tayo bagay Mayaman ka , Mahirap
lang ako(Langit ka at lupa lang ako !) -> ayaw mo nun ? , hindi mo na
kailangang magtrabaho package na yan oi ! o baka naman talag gusto mo lang
maglaro ng langit lupa?
3) Masyado kang
maganda/Gwapo para sakin -> Mas pangit ka na nga Choosy ka pa eh noh ?
4) Strict kasi ang parents ko , saka na daw pag
graduate na ko -> Pag Graduate ka na
kasal na sya !
5) Hindi ko pa
kasi sya maiwan ,pero mahal na rin kita -> Ayos ah ano ka nanalo na sa
lotto , gusto mo pa pati sa jueteng , ang gwapo mo ah , Utang ng Loob MAMILI KA
NA !.kung hindi mo kayang mamili , magpakamatay ka na.
6) Hindi ko alam
pero , this isn’t right -> Hindi
mo nga alam , tapos this isn’t right ? , gaguhan ba to ?
-) I find it so physically
Awkward -> ay taray e! BIG WORD !.andami mong alam, kung insecure ka sa sarili mo wag mo sya idamay , dahil sya mahal ka lang nya , sabi nga magpapantay
din naman kayo sa kama , LOL
- I want you to be
Happy->Sinabi mong mahal mo sya , nahulog sya sayo , at ngayon iiwan mo
sya ,? Anung kagaguhan ang pag sasabi ng I want you to be happy , kungiiwan mo
sya after all ?Billy Crawford ikaw ba
yan ?
7) Natatakot ako baka pag sinabi ko , Mareject
lang ako ->ay walang masama sa
pag tra-try ! , ikaw nga araw araw
umaasa sa Lotto , sa pag ibig pa kaya .DUWAG !..
8) Ayaw ko kasing
masira ang pag kakaibigan natin -> bakit masisisra? , Lelevel up nga eh
, ayaw nyo nun , may benefits na ..LOL
9) Natatakot kasi
ako , baka saktan mo lang ako, Lokohin at Iwan -> well hindi natin
masisisi yung iba , pero Its worth the risk , Malay mo diba mag work , EDI SAYANG !
10) Kasal pa ko sa
kanya -> ay Tangina mo ! Salawahan !
- Mahal ko rin
kasi sya -> Mamatay ka na !
So what am I saying ?Maliban sa number 10, wala akong
nakikitang dahilan kung bakit may mga taong hanggang ngayon , patuloy na
nagpapaasa, Nagbibigay sakit ng ulo at dilemma , sa mga taong pinaibig nila ,
pero hindi nila kayang pangatwanan ,kung
mahal mo ang isang tao , hindi handlang ang HITSURA , EDAD, kataasan sa buhay at kung
ano ano pa , naniniwala ako na ang pag mamahal ay isang bagay na hindi
naghihitay , dahil hindi mo sasayangin ang bawat oras na wala sya , at hindi ka mabubuhay ng isang araw ng wala sya , kalokohan ang pag sasabi ng mahal kita kaya , kaya kong mag hintay kahit pa sa dulo ng walang hanggang, gago e di hindi na kayo nagsama ? anu yung guniguning pagibig?, at hindi tumitingin sa kung ano pang dahilan , walang ngunit
ngunit , walang bakit bakit ,Kung mahal mo ang isang tao Be Proud and say it to
the world !.
At kung hindi naman , mainam lang na bigyan ng closure
lahat ng bagay , para walang umaasa, at walang luluha sa huli . Tama?
Lakas ko maka article ng ganito , ako nga di makasabi
..haha
Karuray ligaya,
Inspired by :
bitterness 2013
xoxo
No comments:
Post a Comment