Sabi sa kanta “too much love will kill you”, pero
nakapagtataka na hanggang ngayon buhay pa ako . bakit? Siguro kasi yung buong
buhay ko wala na kong ginawa kung ang magmahal ng lubos , mula sa Diyos,pamilya
, hanggang sa huling balat ng kendi na kinain ko mahal ko , mahal ko lahat !kaya
immune na immune na ako . madali akong ma-attach sa isang bagay , siguro ganun
talaga pag ka sentimental kang tao, ikaw lagi yung nagmamahal ng lubos kesa dun sa counterpart mo ,ako yun
! akong ako , kaya minsan sa sobrang taas ng pagmamahal ko sa isang tao , ganun
din kataas yung huhulugan ko kapag ako nasaktan , SOBRANG SAKIT, yun ang bagay
na alam kong kadikit na /kasunod na, parang matik na ba .. pero ako kahit ilang
beses na kong Umakyat ng napakataas ,
Nahulog ng napakataas at nasaktan ng napakasakit , hindi parin ako tumitigil ,
sabi nga ,”commiting mistake once is ok , but twice youre an ass” wala akong
pakialam kahit magmuka pa kong Ass, kasi para sakin hindi mistake ang pag ibig
,kahit kelan hindi isang pagkakamali ang pagmamahal ,siguro sa ibang bagay
pwede pa, pero pagdating kasi sa Feelings iba na e,when I said feelings I mean
feeling of being inlove . ibang iba , kahit alam mong mali , kahit alam mong
isusugal mo lahat ng emotion mo , parte ng katawan , pera , oras isusugal mo
bawat Segundo ng buhay mo , goh ka pa din , bakit? Kasi nagmamahal ka . sa lahat
ng feeling na mararamdaman mo sa buong buhay mo , yung pag ibig ang hindi mo
macocontrol, kasi pag yan dumating at dumapo sayo, parang kanser hindi mo
mapipigilan lala-la , unti unting kakainin yung laman loob mo , utak puso isama
mo na yug ATAY,
Ang pagmamahal ng sobra ay parang pag kain ng
chocolate , sobrang sarap pero pag sumobra hindi lang diabetes, pagtaba,
pagkasira ng ngipin at marami pang ibang sakit ang makukuha mo pag nasobrahan
ka, very mainstream at gas gas na pero totoo siguro yung laging payo ng mama ,papa
, tiyahin , kapatid,bespren,kaopismate,pari,boss,at yung mga taong
pinagkwentuhan mo na ng lablife mo na palaging pumapalpak: “ pag nagmahal ka ,
magtira ka para sa sarili mo” .
Stages of being Inlab
(in the wrong way)
1) stage 1- mahal mo sya,gusto mo sya lagging katext ,kausap
at pagnikikita mo sya walang paglagyan ang kasayahan mo, sa kanya umiikot ang
mundo mo .alam mo na mahal ka din nya ,magpapaksal kayo at habang buhay
magsasama,.
2)Stage 2 –Mahal na mahal mo sya , dito na dumarating yung
pagseselos ng pakonti konti ,hindi mo lang sya gustong laging makausap , gusto
mo din syang laging kayakap , kahit hindi pa kayo kasal ibibigay mo na ang
sarili mo !oo ganun katindi kahit stage 2 palang.
3) Stage 3 – o mini paranoia, hindi lang selos kundi poot
yung nararamdaman mo pag nakita mong may kausap syang iba – TAKE NOTE : Kausap
lang ha , pero sa paningin mo nagsesex na sila.dito din pumapasok yung linyang,”lahat
hahamakin para lang sa iyo mahal ko” totoo yan . hindi na kailangang
ielaborate pa.
4)Stage 4 – sa sobrang pagmamahal mo sa kanya , kahit anong
pagkakamali ang gawin nya sayo , kahit na ilang beses ka pang masaktan anjan
lka parin handa syang patawarin , pwede din tawaging “NUMBNESS stage “ o martir
ka na .pwede ka ng sabitan ng sampaguita at tayuan ng rebulto,sa sobrang kadakilaan mo.PWEDE ka ng
SAMBAHIN !
5)Stage 5- mini Malignant- konting konti nalang BALIW ka na .Obsess kung baga ! yung kulang
nalang igapos mo sya , ikulong at lagyan
ng super glue yung mga kamay nyong dalawa para sayong sayo na sya.yung tipong
kahit alam mong isa ka nalang na nagmamahal go parin ,kahit ano gagawin mo para
mapunan yung gusto at pangangailangan nya ,kahit na magpakababa ,at lokohin
mo na pati sarili mo mahal mo parin, in short Diyos mo na sya.
LAST STAGE –Stage 6 : idadaan ko nalang sa example
(girl baliw version)
Tonyo : hon may inuman kami .
Bebang:san ? bakit?
Tonyo: jan lang sa may malapit na bar,birthday ng office
mate ko
Bebang: may babae ?
Tonyo: meron tatlo pero office mate ko lang
Bebang: (in renz verano voice) SASAMA AKO.]
Tonyo: pero hon kasi office mate lang
Bebang : SASAMA AKO !
Tonyo: heto nanaman tayo.matagal na kong nasasakal sayo,
ayoko na ng ganito,gusto ko ng makipaghiwalay.
Bebang: Hindi !(in renz verano birit voice)
Tonyo:pe….r
BEBANg : MAGPAPAKAMATAY AKO (in renz verano highest note
voice)
Ganyan ang pag ibig , masarap , nakakainspire, nakakaganda
ng araw ,nakakapagtama ng mga mali,pero pag sumobra, lintik mababaliw ka
,sisirain yung buhay mo hanggang sa wala ng matira .hanggang sa pati utak mo
nakain na ,masarap mag mahal,masarap mahalin. Pero mas masarap kung ang
pagmamahal sa isang tao , ay sasamahan muna ng pagmamahal sa sarili.
Yun lang♥♥♥
ang pagibig, oo nakakabaliw, pero kahit paulit ulit pa kong mabaliw, paulit ulit pa din akong iibig :)))
ReplyDeletehaup ka karen. akong ako ung stage 1.. tara madaliin na sa last stage. BIGTI NA!!!!!
ReplyDeleteHindi ko alam bat napunta ako dito pero i just wanna share . Sobrang mahal ko ang jowa ko sa totoo lang pero napapagod na ako sa mga pinapakita niya saakin even small efforts wala na syang ginagawa sakin unlikr before , nasasaktan lang ako kasi I thought magmamahalan kami till the end pero ngayon di ko na alam kung hangang kailan ako magtitiis
ReplyDelete